Hindi madali ang magturo. Ang mga guro ay kadalasang maganda, maayos
at mabango bago pumasok sa kanilang klase. Ngunit sa gitna ng isang
makabagbag-damdaming leksyon, nagbabagong anyo ang isang guro. Kapag nasa loob
na ng klase: Tagaktak ang pawis. Basa ang kili-kili. Talsik pati ang laway. Puro
pulbos ng yeso ang mukha. Nangangalit ang mga ugat sa leeg. Tuyo na ang labi at
lalamunan. Pigang-piga ang utak. Said na said ang pasensya.
Anumang istilo ng pagtuturo at pambobola ang gamitin ng isang guro,
ito pa rin ang karaniwang ending: karamihan sa mga bata sa klase ay nakanganga.
Hindi ko alam kung napanganga sa kahusayan ng pagtuturo ng guro, o napanganga
sa pagkamangha sa mga bagong aral na natutunan o sadyang nakanganga lang dahil
walang naintindihan. Ang mas malala, maghapon na ngang nakanganga, umaangal pa.
Kapag binigyan ng takda: “Ang hirap naman”
Kapag sinaway: “Ang higpit naman”
Kapag pinagbawalan: “Ang KJ naman”
Kapag pinagalitan: “Ang sungit naman”
Kapag nahuli: “Ang malas naman”
Kapag naparusahan: “Ang bad trip naman”
Ilan lang ang mga ito sa madalas na komento ng mga kamote – este,
estudyante. (kung makapag-comment, kala
mo nag-effort ng bongga…)
Kung imbentor lang ako (yan ay KUNG), magiimbento ako ng robot na guro na may mga nakarecord
nang instant comments maliban sa ‘Very Good!’ o ‘Mahusay!’ (Makabawi man lang… harhar!)
Kapag tinawag at nakasagot: “Ang galing naman”
Kapag tinawag at nakasagot pero mali: “Ang hina naman”
Kapag tinawag at matagal nakasagot: “Ang arte naman”
Kapag tinawag at hindi nakasagot: “Ang engot naman”
Kapag binigyan ng direksiyon at nakasunod: “Ang attentive naman”
Kapag binigyan ng direksiyon at nagtanong ulit: “Ang bungol naman”
Kapag binigyan ng direksiyon at hindi sinunod: “Ang slow naman”
Kapag nagpasa sa oras: “Ang sipag naman”
Kapag hindi nagpasa: “Ang tamad naman”
Kapag hindi nagsasalita: “Ang lowbat naman”
Kapag salita nang salita: “Ang epal naman”
Kapag nangopya: “Ang kapal naman”
Kapag nangopya sa harap ng guro: “Ang malas mo naman”
Yun nga lang, hindi naman mangyayari ito. Kasama kasi sa mga karakter na inaasahan sa isang guro ang pagiging pasensyosa, maunawain at mapaggabay sa mga bata, maging mabait o makulit man sila, masipag o pasaway, tahimik o maingay, matalino o kulang sa talino. Kaya kahit ubos na ang pasensya ng isang guro, nakangiti pa rin siya (bumigay na yata...).
Pasalamat kayo, guro ako... at hindi imbentor.Yun nga lang, hindi naman mangyayari ito. Kasama kasi sa mga karakter na inaasahan sa isang guro ang pagiging pasensyosa, maunawain at mapaggabay sa mga bata, maging mabait o makulit man sila, masipag o pasaway, tahimik o maingay, matalino o kulang sa talino. Kaya kahit ubos na ang pasensya ng isang guro, nakangiti pa rin siya (bumigay na yata...).
:)))
ReplyDelete